Mahigit 10,000 katao nananatili sa evacuation centers sa Cagayan dahil sa epekto ng bagyong Ramon at Sarah

By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2019 - 11:28 AM

Mayroon pang mahigit 10,000 katao na nananatili sa mga evacuation center sa lalawigan ng Cagayan.

Sila ay pawang naapektuhan ng pagtama ng Bagyong Ramon at Sarah at residente ng 171 na mga barangay.

Ayon sa update mula sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, 10,769 na katao pa o 3.314 na pamilya ang nananatili sa 181 na evacuation centers.

Sa datos, aabot sa 20 munsipalidad ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyo.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa pananalasa ng magkasunod na bagyo.

TAGS: #RamonPH, #SarahPH, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, #RamonPH, #SarahPH, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.