Mga kontrobersya sa SEA Games maaring makaapekto sa performance ng mga atleta
Aminado si Phisgoc Chair at House Speaker Alan Peter Cayetano na maaring makaapekto sa performance ng mga atletang Pilipino ang iba’t ibang kontrobersiya sa SEA Games.
Sinabi ni Cayetano na makakaapekto ang timing nang paglutang mga kontrobersiyang ito sa kakayahan ng Pilipinas na makuha ang unang puwesto sa medal tally.
Wala aniyang ibang maaring sisihin dito kundi ang mga kritiko lamang ng SEA Games hosting ng Pilipinas.
Gayunman, umaasa p rin si Cayetano na maiuuwi ng Pilipinas ang kampeonato sa 2019 Southeast Asian Games.
sa mga nakalipas na araw binatikos nina dating Pangulong Benigno Aquino III at Senate Minority Leader Franklin Drilon ang P50-milyong halaga na cauldron na gagamitin sa SEA Games.
Ayon kina Aquino at Drilon, masyadong mahal ang naturang halaga na maari sanang inilaan na lamang sa pagtayo ng mga silid aralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.