Lima arestado sa magkakahiwalay na buy-bust sa Quezon
Arestado ang limang katao sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon.
Ikinasa ang buy-bust sa Lucena City at Tayabas City.
Aon kay Lt. Colonel Romulo Albacea, city police chief ng Lucena, naaresto ang mga suspek na sina Roy Joseph Almagro at Alan Louie Magpayo matapos magbenta ng shabu sa isang undercover police officer sa Barangay Gulang-Gulang.
Nakuha sa kanila ang walnog plastic sachets ng shabu na tinatayang P7,770 ang halaga.
Bago ito, nadakip din ang isang Stephen Rene Sarmiento, na nagtatrabaho bilang security guard sa operasyon sa Barangay Ibabang Dupay.
Si Sarmiento ay nasa listahan ng notorious drug pushers sa lugar.
Nakuha sa kaniya ang 2.4 rramo ng shabu na tinatayang P13,320 ang halaga.
Sa Tayabas City naman nadakip ng mga pulis sina Renz Ramirez at Aerhon Michael Reyes matapos magbenta ng marijuana sa isang undercover police officer sa Barangay Isabang.
Ayon kay Colonel Audie Madrideo, Quezon police chief, nakuha kina ramirez at Reyes ang 54.8 grams ng marijuana na P19,700 ang halaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.