Crackdown sa paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar inumpisahan na sa Central Visayas
By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2019 - 09:25 AM
Simula Nov. 20 nagkasa na ng crackdown ang Police Regional Office sa Central Visayas sa paggamit ng vape o e-cigarettes.
Ito ay makaraang ipagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.
Daan-daang vape ang nakumpiska ng mga tauhan ng
Mandaue City Police Office, Cebu City Police Office, Cebu Provincial Police Office, Bohol Provincial Police Office at Lapu-Lapu City Police Office.
Ang mga nakumpiskang vape ay mula Nov. 20 hanggang 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.