Batas na nagbabawal sa kaanak ng mga gov’t official na tumakbo bilang SK, pirmado na

By Jay Dones January 20, 2016 - 04:31 AM

 

SKlogoNilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Sangguniang Kabataan Reform Act na naglalayong ipagbawal sa sinumang kaanak ng mga elected o appointed officials na tumakbo sa SK elections.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10742 hindi na maaring tumakbo sa SK elections ang mga kaanak hanggang sa second civil degree of consanguinity or affinity ng sinumang nakaupong opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Senator Bam Aquino, may akda ng panukala, magiging daan ng tunay na pagbabago sa electoral system ang SK Reform Act dahil hindi na ito magagamit ng mga pamilyang pulitiko upang mapalawak ang kanilang kapit sa kapangyarihan.

Sa ilalim rin ng naturang batas, itinataas na rin ang age limit ng mga gustong maging SK official mula sa 15-17 tungong 18-24 kaya’t maari nang lumagda at pumasok sa mga transaksyon at kontrata ang mga ito.

At dahil nasa legal nang edad, magkakaroon na ng pananagutan ang mga SK sakaling pumasok ito sa isang kuwestyunable o maanaumalyang transaksyon o kasunduan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.