Kamara, kumambyo sa planong hindi ituloy ang excise tax sa vape

By Erwin Aguilon November 21, 2019 - 09:19 PM

Inquirer file photo

Kumambyo ang Kamara sa planong huwag ng ituloy ang pagpapataw ng excise tax sa vape at at mga heated tobacco products.

Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda, ito ay matapos na linawin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi total ban sa vape at heated tobacco ang kaniyang sinasabi.

Ayon kay Salceda, inirekomenda sa kanila ng Department of Finance (DOF) na panatilihin na lamang ng Kamara ang probisyon ng House Bill 1026 na nagtataas ng buwis sa vape at e-cigarettes mula sa kasalukuyang itinatakda ng Republic Act No. 11346.

Dahil aniya sa panibagong pahayag ng Pangulo, sinabi ni Salceda na pinag-aaralan nila sa ngayon na itaas pa ang buwis sa vape mula P25/ml sa kasalukuyang bersyon ng panukala at gawing P45/ml.

Karamihan naman kasi aniya sa 1 milyong katao na gumagamit ng vape sa bansa ay napapabilang sa upper middle at high income class, habang 7 milyon naman sa 23 milyong naninigarilyo ang napapabilang sa lowest 50 percent.

TAGS: DOF, heated tobacco products, joey salceda, Kamara, total ban, vape, DOF, heated tobacco products, joey salceda, Kamara, total ban, vape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.