Purok lider na kontra sa iligal na droga, patay sa Caloocan

By Kathleen Betina Aenlle January 20, 2016 - 04:28 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patay ang isang purok leader sa Bagong Silang, Caloocan City matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek.

Binaril sa ulo si Eduardo Magtalas, 58 taong gulang, habang siya ay natutulog sa kaniyang lugawan sa inuupahan niyang puwesto.

Agad na tumakas ang suspek pagkatapos barilin si Magtalas.

Ayon sa hepe ng Caloocan City police na si Sr. Supt. Bartolome Bustamante, kilala si Magtalas na masugid na taga-sulong ng kampanya laban sa iligal na droga.

Aktibo rin ani Bustamante si Magtalas sa pagre-report at pagmo-monitor ng mga kalakalan ng droga at taga-bigay ng impormasyon sa mga otoridad kung sinu-sino ang mga hinihinalang adik sa kanilang lugar.

Ang nasabing adbokasiya laban sa iligal na droga na rin ang pangunahing motibong tinitingnan ng mga pulis sa pagpatay sa kaniya.

Bukod dito, kasama rin sa posibleng motibo ang pulitika, ngutnit mas nakatitiyak ang pulisya ang tungkol sa iligal na droga.

Naglunsad na ng manhunt ang Caloocan police para maaresto ang tumakas na suspek.

Kilala ang Bagong Silang na isa sa mga lugar sa lungsod na pinagtutuunan ng pansin sa mga drug clearing operations.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.