Ilang kalsada sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong #RamonPH, isinara – DPWH
Pitong pangunahing lansangan sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong Ramon ang hindi pinadaraanan sa lahat ng uri ng sasakyan.
Sa report ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang sa mga isinara ay tatlong kalsada sa Cordillera Administrative Region o CAR; isa sa Region 1 at tatlo sa Region 2.
Sa report ng mga district engineering office kay DPWH Secretary Mark Villar, ang pagsasara ay dahil sa tumaas ang tubig sa mga ilog, gumuho ang mga lupa at nagkaroon ng soil erosion.
Sa CAR, bawal daanan ang Kabugao Dibagat, Kabugao at ang Namaltugan Calanasan sa Apayao.
Gayundin ang Claveria Kabugan Calanasan Road at ang Apayao Ilocos Norte Road.
Sa Region 1 naman sa Ilocos Norte, hindi pinadaraanan ang Cape Bojeador Road.
Sa Region 2, Cagayan naman ay hindi madaraanan ng lahat ng sasakyan ang Abusag Overflow Bridge sa San Jose Sta Margarita Road, Baggaw, Cagayan at ang alternatibong daan ay sa Jct Gataran Cumao Capisatan, Sta. Margarita Road; Itawes Bridge sa Cagayan Apayao Road; at sa Isabela ang Cabagan Sta. Maria Overflow Bridge at ang mga motorista ay pinadaraan sa Daang Maharlika via Tuguegarao.
Sa ngayon ay patuloy ang restoration sa mga nasirang lansangan at mga tulay, nalagyan na rin ng warning sign at mga alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.