PNP, walang natututukang banta sa nalalapit na SEA Games
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na wala silang natututukang anumang banta para sa nalalapit na 30th Southeast Asian (SEA) Games.
sa send-off ceremony sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sinabi ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na wala silang na-monitor na banta sa SEA Games.
Gayunman, patuloy pa rin aniya ang isinasagawang evaluation ng pulisya.
Tiniyak din ni Gamboa sa publiko na mananatili ang kaayusan sa komunidad sa kasagsagan nito.
Ipinag-utos na aniya sa mga regional director na ipagpatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng batas sa kani-kanilang nasasakupan.
Ang SEA Games aniya ay hindi panahon para mag-relax ang pulisya dahil posibleng pagsamantalahan ito ng mga kriminal.
Nasa mahigit-kumulang 17,000 pulis ang ipakakalat ng PNP para sa SEA Games.
Gaganapin ang SEA Games mula November 30 hanggang December 11, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.