Kalusugan at kaso sa Sandiganbayan ang dapat tutukan ni dating Pangulong Aquino ayon sa Malakanyang
Binweltahan ng Malakanyang si dating Pangulong Benigno Aquino III matapos kwestyunin nito ang kawalan ng tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo para hawakan ang mga classified information kaugnay sa drug war ng administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa halip na pakialaman pa ni Aquino ang problema sa drug war, mas makabubuting atupagin na lamang nito ang kanyang kalusugan at ang kasong kinakaharap sa Sandiganbayan.
Una rito, inamin ni Aquino na nakararanas siya ng pneumonia.
Nahaharap din si aquino sa kasong usurpation of authority at graft kaugnay sa Mamasapano incident.
Pero kamakailan, pinaburan ng Sandiganbayan ang mosyon ng Office of the Ombudsman na i-withdraw ang nasabing kaso laban kay Aquino.
Ayon kay Panelo, hindi naman binigyan ng atensyon ni Aquino ang problema sa ilegal na droga sa loob ng anim na taong panunungkulan bilang pangulo ng bansa.
Paalala ni Panelo kay Aquino, baka nakalimutan ng dating pangulo na lumala ang problema sa ilegal na droga noong kanyang panahon ng panunungkulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.