Diplomatic corps tiniyak ang kaligtasan sa bansa

By Chona Yu November 21, 2019 - 10:23 AM

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaligtasan ng mga miyembro ng diplomatic coprs sa bansa.

Sa talumpati ng pangulo sa 80th Anniversary ng Department of National Defense (DND) sa Camp Aguinaldo sa Quezon City sinabi nito na ligtas na makapaglalakad sa lansangan ng Manila ang mga dayuhan.

Wala aniyang sinuman ang mananakit sa kanila.

Tanong ng pangulo sa mga miyembro ng diplomatic corps kung ligtas ba silang nakapaglalakad sa Washington o Los Angeles sa Amerika gaya ng ligtas na paglalakad sa Maynila.

Iginiit ng pangulo na puspusan ang pagtatrabaho ng gobyerno na maibalik ang katahimikan at kaayusan ng bansa.

TAGS: diplomatic corps, Los Angeles, president duterte, Washington, diplomatic corps, Los Angeles, president duterte, Washington

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.