Pinakamatandang lalake sa buong mundo, pumanaw na

By Jay Dones January 20, 2016 - 04:20 AM

 

oldest man yasutaru koide
AP Photo

Pumanaw na ang itinuring na ‘world’s oldest man’ sa edad na 112.

Namatay si Yasutaro Koide Martes ng gabi sa isang ospital sa Nagoya, Japan kung saan ito nanirahan ng maraming taon.

Naging sanhi ng kanyang pagpanaw ang sakit nitong pneumonia at heart failure, ayon sa mga doktor.

Si Koide na ipinanganak noong March 13, 1903 sa Fukui prefecture ay isang dating mananahi o tailor.

Naging sikreto umano ni Koide sa mahabang buhay ay ang “pag-iwas sa sobrang pagtatrabaho at ang mabuhay ng masaya.”

Wala pa namang tinutukoy ang Guiness Book of World Records na papalit kay Koide bilang ‘world’s oldest man’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.