2,000 parokya sa bansa lalahok sa ‘Red Wednesday’ sa November 27

By Rhommel Balasbas November 21, 2019 - 03:28 AM

The Manila Cathedral FB page

Mas magiging malaki ang suporta ng Pilipinas ngayong taon sa ‘Red Wednesday’ Campaign.

Ang Red Wednesday ay inilunsad ng grupong Church in Need (ACN) bilang pagpapakita ng pagkakaisa laban sa nagaganap na pang-uusig sa mga Kristiyano sa iba’t ibang bansa.

Ngayong taon, 2,000 parokya sa Pilipinas ang lalahok sa Red Wednesday, mas mataas ng 25 percent mula sa 1,600 na parokya noong 2018.

Sa naturang araw, iilawan ng kulay pula ang harapan ng mga simbahan at Catholic schools.

Ayon kay ACN-Philippines national director Jonathan Luciano, ang pagdami ng parokyang lalahok sa Red Wednesday ngayong taon ay tanda ng pagtaas ng kamalayan ng mga Filipino ukol sa pang-uusig sa mga Kristiyano.

“Filipinos are becoming more aware of the issue and an indication to the increasing participation of parishes and schools,” ani Luciano.

Ito ang ikatlong taon na gaganapin sa bansa ang naturang kampanya.

Ang pulay ay ang Christian color ng martyrdom.

Batay sa mga pag-aarala, ang mga Kristyano pa rin ang pinakabiktima ng religious persecution dahil sa tatlong kadahilanan: state-sponsored persecution; fundamentalist nationalism; at extremism.

Ang sentro ng Red Wednesday Campaign ngayong taon ay ang Manila Cathedral kung saan isang misang ang pangungunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Matapos ang misa, magaganap ang pag-iilaw sa facade ng cathedral na sasabayan ng ecumenical prayers.

TAGS: Church in Need (ACN), November 27 2019, Red WEdnesday, Church in Need (ACN), November 27 2019, Red WEdnesday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.