Duterte pinatatapos ang lahat ng government transactions sa December 15

By Rhommel Balasbas November 21, 2019 - 02:19 AM

Nagbigay ng ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng ahensya ng gobyerno na tapusin o desisyunan ang lahat ng kanilang transaksyon hanggang sa December 15, 2019.

Sa talumpati sa 80th anniversary ng Department of National Defense (DND) sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, muling binatikos ng pangulo ang red tape sa burukrasya.

Ayon sa pangulo, ang mabagal na pagproseso sa mga dokumento ay maaaring pinag-uugatan pa rin ng korapsyon.

“It seems that things are moving very slow. And that is why it is still a source of corruption,” ani Duterte.

Dahil dito, sinabi ni Duterte na anumang nakabinbing mga papel maging ang mga nasa opisina na ng Cabinet members ay kailangang desisyunan sa susunod na buwan.

“Even the Cabinet members, they have one month to decide. I must have your decision (on) the papers before you. And I said last night, it has to be December 15,” utos ng pangulo.

“It’s been so many months now. Papers that are on your table must be out with a decision. If it’s for approval, good; if it is for denial, fine. But let it out”, dagdag ng presidente.

Nagbanggit ang pangulo ng mga kontrata kabilang ang nasa militar na dalawang taon na anyang nakabinbin.

Hindi anya nakapaghihintay ang giyera.

Ayon kay Duterte, kung walang balak ang mga taga-gobyerno na pabilisin ang sistema, lumayas na ang mga ito at magpapalit na sa pwesto.

“War cannot wait… If you think that you are not up to the mandate of being hurried up, and then you go out and tell your commander to replace you,” ani Duterte.

TAGS: bureaucracy, finish all paperworks on December 15, red tape, Rodrigo Duterte, bureaucracy, finish all paperworks on December 15, red tape, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.