Ligtas ang gumamit ng vape sa loob ng bahay.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ipa-ban ang importasyon at paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.
Pero ayon sa pangulo, kung matino ang isang tao ay hindi pa rin gagawin ang pag-vape sa bahay dahil inilalagay sa panganib ang buong pamilya lalo na ang mga bata.
“And I immediately ordered last night to confiscate and arrest people vaping in public places. Meaning to say, the safest way to do it is in your house. But if you are not that stupid, when you do that, you contaminate all including your children in the family,” ani Duterte.
Ipinag-utos nya anya ang pag-aresto sa vapers sa public places dahil mayroong batas sa Pilipinas na ipinagbabawal ang pagdidistribute ng toxic materials.
“And that is why in public places I told them to arrest. Because there is a law which says that you cannot distribute toxic materials in public places,” dagdag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.