Pangulong Duterte, binalaan ang judges na huwag maglabas ng restraining order para harangin ang BOC, PCG sa pagkumpiska ng vape
Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang judges sa bansa na huwag magpalabas ng anumang restraining order para harangin ang Bureau of Customs (BOC) at Philippine Coast Guard (PCG) sa pagkumpisa sa mga vape na papasok sa bansa.
Sa talumpati ng pangulo sa 80th anniversary of the Department of National Defense (DND) sa Camp Aguinldo, Quezon City, sinabi nito na hindi niya susundin ang anumang utos ng mga judge.
Utos ng pangulo sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), sundin lamang ang kaniyang utos na harangin ang pagpasok ng mga vape sa bansa at arestuhin ang sinumang gumagamit nito sa mga pampublikong lugar.
Kung magkabulilyaso man aniya, sinabi ng pangulo na siya lamang ang bukod tanging mananagot sa batas.
Sa ngayon, sinabi ng pangulo na wala pa siyang ipinalalabas na executive order kaugnay sa kaniyang bagong kautusan pero maglalabas din siya sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.