Bagyong Sarah lumakas pa, isa nang tropical storm

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2019 - 12:03 PM

Lumakas pa at isa nang tropical storm ang Bagyong Sarah.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga ng Miyerkules, Nov. 20 huling namataan ang bagyo sa layong 715 kilometers East Northeast ng Infanta, Quezon o sa 640 kilometers East ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong North Northwest.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 80 kilometers per hour.

Isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 ang mga sumusunod na lugar:

– Eastern portion of Cagayan (Calayan)
– Aparri
– Baggao
– Alcala
– Gattaran
– Lal-lo
– Tuguegarao City
– Penablanca
– Iguig
– Amulung
– Santa Teresita
– Camalaniugan
– Santa Ana
– Gonzaga
– Buguey
– Ballesteros and Calayan) at northeastern portion ng Isabela (Divilacan
– Tumauini
– Cabagan
– Maconacon and San Pablo

Ngayong araw mararanasan ang katamtaman hanggang madalas na malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Apayao, at northern portion ng Ilocos Norte habang mahina at kung minsan ay malalakas na ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Isabela, La Union, Benguet at buong lalawigan ng Ilocos Norte.

Mararanasan naman ang katamtaman hanggang madalas na malalakas na pag-ulan sa Batanes and Babuyan Islands at mahina at kung minsan ay malalakas na ulan naman ang mararanasan sa Cagayan, Apayao at northern portion ng Isabela, bukas araw Huwebes (Nov. 21)

Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng landslides at flash floods.

TAGS: Bagyong Sarah, Pagasa, Tropical storm, Bagyong Sarah, Pagasa, Tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.