National ID System wala pa rin pondo sa 2020 national budget
Pinuna ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang hindi pa rin pagpopondo sa National ID System sa susunod na taon.
Ayon kay Recto ipinasa ang batas dalawang taon na ang nakakalipas matapos itong sertipikahan ng administrasyong-Duterte na prayoridad ngunit hindi ito maikaisa dahil sa kawalan ng pondo.
Kaya’t nagtataka ang senador dahil sa pangatlong taon ay wala pa ring inilaan na pondo para sa pagkakaroon ng national ID system sa bansa.
Pagdidiin ni Recto napakahalaga nito para sa mga social programs tulad ng 4Ps, universal health care at pension ng mga senior citizens.
Dapat aniya sa susunod na taon, 14 milyon Filipino na ang may national ID, 52 milyon sa 2021 at karagdagang 44 milyon naman sa 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.