Surprise drug testing, isinagawa ng MPD sa Station 3
Nagsagawa ng suprise mandatory drug testing ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) Station 3 sa halos 300 na pulis na sakop nito.
Ayon kay MPD Station 3 chief Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, hindi alam ng mga pulis na ito na isasailalim pala sila sa drug test.
Ang alam lang aniya ng mga ito ay ipinatawag sila sa basketball court na nasa tabi ng Station 3 headquarters para sa accounting.
Pero pagpasok nilang lahat sa court, agad ipinag-utos ni Magdaluyo na ikandado ang court.
Binalaan pa aniya ang mga ito na ang magtatangkang lumabas ay babarilin.
Nakipagtulungan naman aniya ang mga pulis at nagpasailalim sa drug testing.
Giit ni Magdaluyo, kung hindi sangkot ang mga ito sa ilegal na droga ay wala silang dapat na ikinakatakot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.