Panukalang 4-day work week, ihinain na sa Kamara

By Erwin Aguilon November 19, 2019 - 04:24 PM

Inihain na sa Kamara ang resolusyon na humihikayat sa pamahalaan at pribadong sektor na ipatupad ang panukalang “four-day work week.”

Sa House Resolution 533 ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, hiniling nito na ipatupad “on experimental basis” ang “Four Day Work Week” dahil na rin sa nalalapit na kapaskuhan at SEA Games sa Nobyembre 11 hanggang Disyembre 11, 2019.

Paliwanag ni Barzaga, ang hakbang ay para na rin lumuwag ang daloy ng trapiko na nagdudulot ng stress, anxiety, low productivity, exposure sa high carbon emission, high gas consumption at matagal na pagkakalayo ng oras mula sa mga pamilya ng bawat Filipino.

Nilinaw naman ng kongresista na bagamat mayroon nang mga panukalang batas sa Kamara kaugnay sa “four-day work week” ay nakabinbin pa ang mga ito sa committee level at maaring matagalan pa bago ito tuluyang maaprubahan kaya inihain na niya ang resolusyon para mabilis itong maipatupad.

Naniniwala siya na ang nasabing panukala ang solusyon sa problema ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko na maituturing na salot sa bansa.

Sa ilalim ng panukala, ang mga empleyado ng gobyerno ay papasok mula Lunes hanggang Huwebes mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi habang ang mga nasa pribado ay mula Martes hanggang Biyernes na hanggang 10 oras para makumpleto ang 40 oras na trabaho kada linggo.

Samantala, inihain din nina CIBAC Representatives Eddie Villanueva at Domeng Rivera ang House Bill 5471 na nagsusulong ng alternative working arrangements tulad ng compressed work week depende sa mapagkakasunduan ng employer at employee.

Maaari lamang anila na i-adjust ng employer ang oras ng trabaho ng kanilang mga empleyado kada linggo na hindi hihigit sa 48 oras at hindi maapektuhan ang sahod at benepisyong natatanggap nila.

TAGS: 4 day work week, Kamara, Rep. Elpidio Barzaga, 4 day work week, Kamara, Rep. Elpidio Barzaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.