Speaker Cayetano, mananagot kung may anomalya sa P50-M cauldron

By Chona Yu November 19, 2019 - 04:24 PM

Kuha ni Fritz Sales

Tiyak na mananagot sa batas si House Speaker Alan Peter Cayetano kung may bulilyaso o anomalya sa P50 milyong stadium cauldron na gagamitin sa SEA Games sa bansa.

Si Cayetano ang head ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation Incorproated na naatasang mangasiwa sa SEA Games na magsisimula sa November 30 sa Clark City sa Pampanga.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, bilang head ng PHISGOC, si Cayetano ang accountable sa lahat ng kapalpakan sa SEA Games.

Una nang kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang stadium cauldron na aniya’y tinawag na kaldero dahil masyadong malaki ang pondo na maaring ginamit na lamang sana sa pagpapagawa ng isang silid-aralan na nagkakahalaga lamang ng P1 milyon.

Ayon kay Panelo, kumpiyansa naman ang Palasyo na kaya na ni Cayetano na ma-justify o mabigyan ng tamang katwiran ang P50 milyong pondo para sa cauldron.

Naniniwala aniya ang Palasyo na hindi gagawa si Cayetano nang hindi tama lalo na kung pera ng bayan ang pag-uusapan.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na mas makabubuting huwag munang husgahan si Cayetano at tingnan muna ang punot dulo ng kontrobersiya.

TAGS: Alan Peter Cayetano, P50 milyong stadium cauldron, Salvador Panelo, sea games, stadium cauldron, Alan Peter Cayetano, P50 milyong stadium cauldron, Salvador Panelo, sea games, stadium cauldron

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.