Panukalang malasakit centers bill, lusot na sa Kamara

By Erwin Aguilon November 18, 2019 - 06:01 PM

Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang magkaroon ng Malasakit Centets ang lahat ng ospital na pinapatakbo ng Department of Health (DOH) na magtatag ng Malasakit Centers.

Pumasa ang House Bill 5477 sa botong 185 na yes, 1 na no at 7 na abstain.

Sa ilalim ng panukala, ang Malasakit program ay pamamahalaan ng DOH.

Ang Malasakit Center ang nagsisilbing one-stop shop para sa mga mahhihirap na pasyenteng nais humingi ng tulong medikal at pinansyal mula sa DOH, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Office of the President.

Nauna na ring tinutulan ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang panukala dahil sa pangamba na magagamit ang Malasakit Centers bilang partisan tool o sa ambisyong pulitikal ng iilan.

Diin ni Lagman, carbon copy lang ng bersyon ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukala at minadali ring pagtibayin sa Kamara.

Hindi rin aniya nabigyan ng sapat na pagkakataon ang mga kongresista na mahimay nang mabuti ang House Bill 5477.

TAGS: doh, Kamara, Malasakit Center, malasakit centers bill, Malasakit program, doh, Kamara, Malasakit Center, malasakit centers bill, Malasakit program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.