Mga senior citizen, may trabaho na rin sa Philippine Children Medical Center

By Erwin Aguilon November 18, 2019 - 06:02 PM

Maari na ring magtrabaho sa Philippine Children Medical Center ang mga senior citizen.

Ito ay kasunod ng paglagda ng isang memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE), PCMC, Quezon City Government at ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong.

Ayon kay Rep. Ong, magtatrabaho ang mga senior citizen ng tatlong oras sa umaga at tatlong oras sa hapon at tatanggap ng minimum wage.

Isinagawa aniya ang programa dahil sa marami nga ang discount ng mga nakatatanda pero wala naman ang mga itong pera.

Makikinabag dito ang limampung senior citizen mula sa Quezon City na pinili ng Office of the Senior Citizen Affairs ng lungsod.

Tatagal aniya ang kontrata sa loob ng 15 araw na maari pang ma-renew.

Masaya ang mga senior citizen na nabigyan ng trabaho dahil magkakaroon sila ng kita matapos magretiro.

Ang nakatatanda ay gagawa ng mga magagaang trabaho kung saan ang suweldo ay manggagaling sa DOLE.

Sa ilalim ng programa, nakikipag-ugnayan si Ong sa mga ahensya ng pamahalaan upang makapagtrabaho ang mga ito sa kanilang tanggapan.

Nauna rito, inilunsad ang programa sa PUP kung saan 50 senior citizen ang binigyan ng trabaho.

TAGS: DOLE, Philippine Children Medical Center, Rep. Ronnie Ong, senior citizen, DOLE, Philippine Children Medical Center, Rep. Ronnie Ong, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.