Grab pinagbabayad ng P5M refund na sobra-sobra nilang siningil sa mga pasahero
Inatasan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang kumpanyang Grab na magbayad ng P5 million halaga ng refund sa kanilang mga pasahero dahil sa sobra-sobrang taas nilang singil mula Pebrero hanggang Mayo ngayong taon.
Ayon sa PCC, inatasan na nila ang Grab na ibalik ang sobrang singil na pasahe sa mga customers nila na nag-book sa pagitan ng February hanggang May 2019.
Kung susumahin, aabot sa P5 million ang sobrang nasingil ng Grab.
May petsang Nov. 14, 2019 ang utos ng PCC at mayroong dalawang buwan o 60 araw ang Grab para mag-refund.
Ayon sa PCC dapat sumunod ang Grab sa initial price at service commitments nito matapos na bilhin ang Uber noong nakaraang taon.
Noong Enero 2019 pinagmulta na rin ng PCC ang Grab ng ₱6.5 million dahil sa kakulangan ng isinumiteng datos para sa fare monitoring.
Noong October 2018 naman, pinagbayad ng ₱16 million na penalty ang Grab Philippines at Uber dahil sa mga paglabag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.