P6 – P6.50 na minimum na pasahe sa jeep, malabo ayon sa isang transport group
Hanggang P7 lamang na minimum na pasahe sa jeep ang katanggap-tanggap para sa grupo ng mga operators at drivers ng mga pampasaherong jeep.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PISTON National President George San Mateo, kahit mababa na ang halaga ngayon ng diesel, masyado nang agrabyado ang mga driver ng jeep kung ibaba hanggang sa P6.50 o P6 ang minimum fare.
Mas kumportable na aniya ang kanilang grupo nag awing P7 ang pamasahe para wala na ring butal na singkwenta sentimos na kung minsan ay nagiging ugat pa ng diskusyon ng mga pasahero at tsuper.
Maari lang aniyang bumaba sa six pesos ang minimum fare kung ang presyo ng diesel ay nasa P16 na lamang kada litro.
Maliban dito, sinabi ni San Mateo na kahit pa patuloy sa pagbaba ang presyo ng krudo ay hindi naman bumababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin gayundin ang presyo ng spare parts ng mga sasakyan.
Sinabi ni San Mateo na ang LTFRB ay maaring gumawa ng hakbang para maibaba ang halaga ng pasahe kahit wala pang maghain ng petisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.