2 lalaki, 1 babae arestado matapos makuhanan ng P1.7M halaga ng shabu
By Jong Manlapaz November 18, 2019 - 09:33 AM
Arestado ang tatlong katao na itinuturing na high-value target sa ikinasang operasyon kontra ilegal na droga sa isang condominium sa Quezon City.
Ikinasa ang operasyon, Lunes, Nov. 18 ng umaga sa Barangay Sto. Cristo kung saan nadakip ang dalawang lalaki at isang babae.
Nakuha sa mga suspek ang 250 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P1.7 million ang halaga.
Dalawa sa mga naaresto ay dati na ring nakulong dahil din sa ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.