Tatlong drug suspek arestado sa Lapu-Lapu City; 14 anyos na ginagawang ‘spotter’ nailigtas
Arestado ang tatlong hinihinalang drug dealers habang nailigtas ang isang 14 anyos na ginagamit nilang ‘spotter’.
Nagsagawa ng operasyon kontra ilegal na droga ang mga tuahan ng Mactan Police Station sa pamumuno ni Police Major Narciso Abapo.
Unang naaresto si Christopher Pejana, 44 anyos na residente ng Sitio Kawot ng Barangay Mactan.
Nailigtas naman ang 14 anyos na batang lalaki na ginagamit na ‘spotter’.
Ayon sa mga otoridad, nakita nilang tumatakbo ang bata para timbrehan si Pejana na may paparating na mga pulis.
Nakuha kay Pejana ang apat na maliliit na sachet ng shabu na tinatayang P1,088 ang halaga ay isang 9mm revolver.
Sa ikalawang drug operation na ikinasa sa Sitio Bisa Barangay Mactan, naaresto naman ang isang Nailven Lozano, 34 anyos na residente ng Sitio Kalubihan, Barangay Pajac.
Nakuha sa kaniya ang 32 piraso ng maliliit na sachet ng shabu na tinatayang P8,704 ang halaga.
DSa follow-up operation ay nadakip naman ang bayaw ni Lozano na si Jofhel Cecilio, 31 anyos.
Nakuhanan naman si Cecilio ng 13 sachet ng shabu na P2,652 ang halaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.