Apayao, Cagayan, Quirino at Isabela nakararanas ng malakas na pag-ulan dahil sa bagyong Ramon
Nakararanas na ng pag-ulan sa maraming bayan sa Apayao, Cagayan, Quirino at Isabela dahil sa epekto ng bagyong Ramon.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, alas 5:08 ng umaga ng Lunes, Nov. 8 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa
Apayao, mga bayan ng Allacapan, Ballesteros, Lasam, Piat, Rizal at Tuao sa Cagayan; mga bayan at lungsod ng Aurora, Cabatuan, Cauayan City, Gamu, Luna, Mallig, Naguilian, Quezon, Quirino, Roxas, San Guillermo at San Manuel sa Isabela.
Inuulan na rin ang Amulung, Baggao, Camalanuigan, Gattaran at Lallo sa Cagayan Benito Soliven, San Mariano at Tumauini sa Isabela.
Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan na man ang nararanasan sa iba pang bahagi ng Apayao, Cagayan, Isabela, mga bayan ng Adams at Dumalneg sa Ilocos NOrte.
Pinayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng landslide at flashflood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.