P1.5M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Navotas
Nakumpiska ang aabot sa P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Tangos North, Navotas araw ng Linggo.
Ayon kay Northern Police District (NPD) director Brig. Gene. Ronald Ylagan, huli sa operasyon ang tatlong drug suspek.
Nakilala ang mga ito na sina Warly Romay, 36 anyos; Roxanne Jimenes, 36 anyos at Edmund Quijano, 48.
Nakatakas naman ang isang kasamahan ng tatlo na nakilalang si Romeo Limbaro Jr., 32 anyos.
Ikinasa ang operasyon sa R. Domingo Street kung saan target ng pulisya na masawata ang grupo ng mga tulak na talamak ang operasyon sa lugar.
Nagpositibo ang transaksyon at agad na hinuli ang mga suspek.
Nakuhaan sila ng 79 plastic sachet at isang plastic ice bag ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
May bigat na 225 gramo ang nakumpiskang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P1,539,090.
Kasalukuyang nakakulong sa Navotas City Police Custodial Facility at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.