Isang residential area sa Tondo, Maynila tinupok ng apoy

By Angellic Jordan, Rhommel Balasbas November 17, 2019 - 06:56 PM

(UPDATED) Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Nicolas Zamora Street,Tondo, Maynila Linggo ng gabi.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nagsimula ang sunog bandang 6:24 ng gabi at umabot sa ikalimang alarma.

Ang apoy ay sumiklab mula sa ikalawang palapag ng isang residential building at nadamay ang katabing 3 palapag na gusali, isang auto electrical shop at sari-sari store.

Idineklarang fire under control sa lugar pasado 8:00 ng gabi.

Sugatan ang isang lalaki sa sunog at patuloy na inaalam ang naging sanhi ng pagsiklab nito.

Inaalam na rin kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala sa lugar.

TAGS: Maynila, metro, sunog, Tondo, Zamora Street, Maynila, metro, sunog, Tondo, Zamora Street

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.