2 patay, 9 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Quezon

By Angellic Jordan November 17, 2019 - 12:00 PM

Patay ang dalawang motorcycle rider habang siyam na iba pa ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa dalawang bayan sa probinsya ng Quezon.

Sa ulat ng pulisya sa San Narciso, dead-on-arrival nang itakbo sa ospital ang dalawang motorcycle rider matapos masangkot sa aksidente sa Barangay Calwit bandang 1:50, Sabado ng madaling-araw.

Bumangga ang mga biktima na sina Jerwin Carabot at Mark Jovel Abejuela sa isa pang motorcycle rider na si Blademer Culla.

Wala umanong helmet sina Carabot at Abejuela nang mangyari ang aksidente.

Si Culla ay nananatili naman sa San Narciso Municipal Hospital.

Samantala, batay sa ulat ng Gumaca police, isang bus patungong Bicol ang sangkot sa aksidente sa bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Binambang bandang 3:30, Linggo ng madaling-araw.

Nawalan kasi umano ng preno ang drayber ng DLTB bus na si Levie Talento dahilan para bumangga sa isang bahay.

Agad naisugod sa Gumaca District Hospital ang mga sugatang pasahero na sina Maria Anna Raiza Maragana, Jodelyn Martin, Diosie Ongcay, Maria Fe Panlican, Gerardo Quiñones, Ric Rojo at Lilian Yanto.

Sa RAKKK Prophet Medical Center naman dinala si Talento.

Wala namang nasugatan sa mga nakatira sa nabanggang bahay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.