Bagyong #RamonPH, nagsimula nang kumilos sa East Philippine Sea
Nagsimula nang kumilos sa direksyong Timog Timog-Kanluran ang Tropical Storm “Ramon” sa bahagi ng Philippine Sea sa Silangang bahagi ng Northern Luzon.
Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa layong 435 kilometers Silangang bahagi ng Casiguran, Aurora bandang 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca)
– Silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan at Dinapigue)
– Northern Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan)
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, sa araw ng Sabado, asahan pa rin ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay kalat-kalat na pag-ulan sa Silangang bahagi ng Cagayan at Isabela.
Nagbabala rin ang weather bureau na mapanganib pumalaot ang mga sasakyang-pandagat sa seaboards ng Northern Luzon at, eastern seaboards ng Central at Southern Luzon dahil sa mararanasang malalakas na alon.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management council na bantayan at maging alerto sa pinakahuling lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.