36 na Japanese nationals na sangkot sa telecommunications scam arestado sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo November 15, 2019 - 11:28 AM

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang 36 na Japanese nationals sa isang hotel sa Makati City.

Ang 36 ay pawang sangkot sa telecommunications scam.

Nakipag-ugnayan sa BI ang Japanese government hinggil sa kinakaharap na warrant of arrest nina Nobuki Oshita, 20 at Yusuke Kiya, 33 dahil sa kasong theft sa Japan

Agad na naglabas ng mission order ang BI para maaresto ang dalawang Japanese nationals.

Umabot umano sa mahigit 1,300 na Japanese nationals ang nabiktima sa scam.

Natangay ng mga suspek ang aabot sa 2 billion yen.

Nakakulong ngayon ang mga dayuhan sa BI Detention Facility sa Bicutan, Taguig habang ipinoproseso ang deportation laban sa kanila.

TAGS: Inquirer News, Japanese nationals, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, scam, Tagalog breaking news, tagalog news website, telecommunications scam, Inquirer News, Japanese nationals, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, scam, Tagalog breaking news, tagalog news website, telecommunications scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.