Maynila maghihigpit sa pamamasko sa mga lansangan
Pagbabawalan sa lungsod ng Maynila ang pamamalimos sa mga lansangan.
Sinabi ni Asuncion Fugoso, direktor ng Manila Social Welfare Development, ngayon papalapit na ang Kapaskuhan paiigtingin nila ang kanilang rescue and reach out operations sa mga nanghihingi ng limos mula sa mga motorista.
Aniya hindi panghuhuli ang kanilang gagawin kundi pagsagip dahil ang mga madadampot ay dadalhin nila sa Manila Boystown.
Sinabi pa ng opisyal maging ang mga katutubo, tulad ng Aeta at Badjao, ay kasama sa kanilang mga sasagipin at bibigyan nila ang mga ito ng pasahe pauwi sa kani-kanilang probinsiya.
Binanggit ni Fuguso na nabawasan ang mga namamalimos sa mga kalsada sa lungsod dahil sa mahigpit na pagpapatupad nila ng curfew ordinance.
May iba naman na nagpupunas ng salamin ng mga sasakyan, kumakanta at namimigay ng mga sobre sa mga pasahero ng jeep.
Kung may nahuhuli aniya ay hindi taga-Maynila kundi taga ibang lungsod gaya ng Quezon City, Pasay City at Caloocan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.