Pag-apruba sa P15.5B budget ng BCDA binawi ng Senado

By Len Montaño November 15, 2019 - 02:04 AM

Tristan Tamayo/INQUIRER.net

Dahil sa mga problema kung ano ang gagawin sa mga itinayong sports facilities matapos ang South East Asian (SEA) Games, binawi ng Senado ang pag-apruba sa P15.5 billion na pondo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Ito ay matapos makuwestyon ang abilidad ng BCDA na tiyaking hindi masasayang ang mga bagong tayong pasilidad na ginawa para sa SEA Games.

Pathricia Roxas/INQUIRER.net

Nagpahayag ng pag-aalala si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa umanoy kawalan ng financial plan ng BCDA para sa maintenance ng sports facilities na gagamiting venue sa SEA Games partikular ang nasa New Clark City sa Tarlac.

Lumutang ang problema sa deliberasyon ng Senado sa panukalang budget sa 2020 ng Philippine Sports Commission (PSC).

Inalam ng senador ang pondo para sa mga pasilidad na ni-rehabilitate o itinayo para sa SEA Games na gagawain sa bansa sa November 30 hanggang December 11.

Sa pagdepensa ni Senate sports committee chairman Senator Bong Go sa pondo ng PSC, sinabi ng chairman ng ahensya na si William Ramirez na ang P9.5 billion na pondo ng BCDA ay ginamit sa pagpapatayo ng mga bagong sports facilities.

Habang ang halos P859 million ay ginamit sa rehabilitasyon ng ilang gymnasiums.

Pinagtuunan ni Drilon ang P9.5 billion na pondo ng BCDA at kung ano ang gagawin sa mga pasilidad matapos ang SEA Games.

Sumagot si Go na plano ng BCDA na ipa-bid ang mga pasilidad sa mga pribadong developers na siyang magmi-maintain at mag-ooperate ng mga istraktura na anyay pagkakakitaan ng gobyerno.

Pero ayon kay Drilon, malinaw na wala talagang detalyadong plano kung ano ang gagawin sa mga sports facilities at kung paano ito magbibigay ng kita sa pamahalaan.

Dahil dito ay inihayag ni Drilon na kailangang i-reconsider ang pondo ng BCDA na una nang naaprubahan ng Senado.

 

TAGS: BCDA, binawi, budget deliberation, P15.5 billion, psc, Senado, Senate Minority Leader Franklin Drilon, senator bong go, sports facilities, BCDA, binawi, budget deliberation, P15.5 billion, psc, Senado, Senate Minority Leader Franklin Drilon, senator bong go, sports facilities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.