VP Robredo hindi kasama sa cabinet meeting kung wala sa agenda ang illegal drugs
Hindi maaring dumalo si Vice President Leni Robredo sa mga cabinet meeting sa Malakanyang kung wala sa agenda ang ilegal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, utos sa kanya ng pangulo, huwag imbitahan si Robredo sa mga cabinet meeting kung hindi naman pag-uusapan ang problema sa ilegal na droga.
Una nang itinalaga ng pangulo si Robredo bilang cochairperson ng inter-agency committee on anti-illegal drugs at may cabinet rank.
Ayon kay Panelo, sakali mang ipatawag si Robredo sa mga cabinet meeting, dapat itong matuwa dahil mabibigyan siya ng tsansa na makapakinig sa usapin hanggang sa dis oras ng gabi o hanggang madaling araw.
Isinasagawa ang cabinet meeting tuwing unang Lunes ng kada buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.