Navy detachment itatayo sa Fuga Island

By Len Montaño November 14, 2019 - 03:50 AM

Magtatayo ang Philippine Navy ng detachment sa Fuga Island na isa sa mga lugar na pinagtatayuan ng mga istraktura g China.

Ang go signal ay kasabay ng memorandum of agreement (MOA) na pinirmahan nina Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad at Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) administrator Secretary Raul Lambino araw ng Miyerkules.

“The Philippine Navy is very thankful to Sec. Lambino and his team for agreeing to expand the previous memorandum of agreement, and effectively accommodating more possibilities for the navy to enhance its capability in safeguarding our northern frontier and at the same time contribute to the socio-economic development in Northern Luzon,” ani Empedrad.

Ayon kay Navy public affairs chief Lcmdr. Ma. Christina Roxas, ang MOA ang magbibigay daan sa konstruksyon ng Navy detachment sa naturang isla.

Ang isla ay pag-aari ng Isla Fuga Pacific Resort Inc. na nag-iisang pinamumunuan ng CEZA.

Sakop nito ang Santa Ana, Cagayan at mga isla ng Barit at Mabbag sa Aparri.

Noong Agosto ay naiulat na ang Fuga Island, isa sa tatlong strategic locations, ay nais patayuan ng China ng economic hubs.

Samantala, magtatayo rin ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga lighthouse sa isla at 12 pang lugar sa Hilagang Luzon kabilang ang iba pang lugar sa northern extension ng Philippine archipelago.

Hakbang ito ng Phil. Navy sa gitna ng pag-angkin ng China ng mga teritoryo sa rehiyon.

 

TAGS: ceza, China, detachment, Fuga island, MOA, philippine coast guard, philippine navy, ceza, China, detachment, Fuga island, MOA, philippine coast guard, philippine navy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.