Selebrasyon sa ika-500 taon ng pagdating ng Sto. Niño inilunsad
Inilunsad araw ng Miyerkules sa Cebu ang selebrasyon sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Sto. Niño sa Pilipinas na hudyat na rin ng pag-abot ng Kristiyanismo sa bansa.
Isang misa ang pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu.
Sa kanyang homilya, nagpaalala si Caccia na ang batang si Hesukristo, kahit isang hari ay inilaan ang buhay para iligtas ang sanlibutan.
Pinayuhan din ang mga mananampalataya na tulad ng Sto. Niño, manatili dapat ang katangian ng mga bata sa kanila kasabay ng pagiging ‘hinog’ sa pananamapalataya.
Hinikayat ang mga Katoliko na palaganapin ang Mabuting Balita.
“Be childlike, but not childish, which is different. Remain childlike but be an adult in faith. Adult faith is a faith to go to others and to offer love,” ani Caccia.
Ayon sa Cebu City Police, umabot sa 2,000 katao ang dumalo sa misa kahapon at walang naitalang crime incident.
Ipinakita na rin kahapon ang logo ng selebrasyon ng ika-500 taon ng pagdating ng Sto. Niño at inanunsyo ang gagawing mga aktibidad hanggang sa 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.