Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-11:46 Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 57 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Bayabas.
May lalim itong siyam na kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.