Matutuloy na rin ang pagbibigay ng parangal sa apatnapu’t apat (44) na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force commandos na namatay sa Mamasapano, Maguindanao nang ikinasa ang Oplan Exodus mag-iisang taon na ang nakalipas.
Ayon kay PNP chief General Ricardo Marquez, lahat nang paghahanda ay kanila nang ginagawa para sa awarding na itataon sa anibersaryo nito sa January 25.
Ibibigay sa karamihan sa kanila ang ikalawang pinakamataas na parangal, ang “Distinguished Conduct Medal” o medalya ng kabayanihan.
Umaasa naman si Marquez na maisasabay ang pagbibigay ng Medal of Valor sa dalawa sa kanila na sina PCI Gednat Tabdi at PO3 Romeo Cempron batay sa kanilang rekomendasyon sa Office of the President.
Umaasa ang heneral na makadadalo lahat ang mga kaanak ng SAF 44 sa araw ng Lunes, January 25 at ang mga nakaligtas na tauhan ng PNP-SAF sa Mamasapano operation
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.