LOOK: Mga apektadong kalsada sa simulation exercise para sa 30th SEA Games
Nagbabala sa mga motorista ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol sa mga maaapektuhang kalsada ng isasagawang simulation exercise para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Sa abiso ng MMDA, magkakaroon ng simulation exercise sa opening ceremony ng SEA Games simula 2:00 hanggang 4:00 Huwebes ng hapon, November 14.
Inaasahang bibiyahe ang convoy ng mga sasakyan ng mga atleta at delegado mula sa iba’t ibang hotel at establisimiyento sa Metro Manila, Tagaytay, Clark at Subic patungong Philippine Arena.
Narito ang mga apektadong kalsada:
Mula Metro Manila hanggang Philippine Arena:
– EDSA
– Roxas Boulevard
– North Luzon Expressway (NLEX)
– España Boulevard
– Quezon Avenue
Mula Tagaytay hanggang Philippine Arena:
– Tagaytay
– Crisanto de los Reyes Avenue
– Gov. Ferrer Drive
– Ge. Antonio
– Centennial Drive
– Cavitex
– Coastal
– Roxas Boulevard
– EDSA
– NLEX (Ciudad de Victoria Exit)
Mula Subic cluster hanggang Philippine Arena:
– Olongapo-Bugallon Road
– Dewey Avenue
– Rizal Highway
– SFEX
– SCTEX
– NLEX (Ciudad de Victoria Exit)
Mula Clark cluster hanggang Philippine Arena:
– Prince Balagtas Avenue
– SCTEX
– NLEX (Ciudad de Victoria Exit)
Magpapatupad din ng stop-and-go traffic scheme sa mga nabanggit na lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.