3 warehouse pinasara ng BIR sa Karuhatan, Valenzuela sa hindi pagbabayad ng buwis

By Jimmy Tamayo November 13, 2019 - 12:34 PM

Pinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tatlong bodega sa Karuhatan, Valenzuela city sa ilalim ng “Oplan Kandado” ng kawanihan.

Ayon sa BIR, bigo ang may-ari ng mga bodega na sumunod sa itinatakda ng Tax Code.

Ang tatlong bodega ay pag-aari ng Yaflex Hardware Inc., Gett Enterprises at Polymountain Industrial Corporation na natuklasan ang non-registration at tax deficiencies matapos ang tax mapping na ginawa ng BIR noong October 15, 2019.

Sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Gubilla aalamin pa nila ang imbentaryo ng bodega para malaman kung magkano ang dapat bayarang buwis ng tatlong kompanya.

Tiniyak pa ni Gubilla na hindi magbubukas ang mga bodega hanggang hindi nakapagbabayad ng buwis ang kompanya.

Nagbabala rin ang kawanihan na kanilang tutugisin ang mga kumpanya na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon sa pagbabayad ng buwis.

TAGS: 3 warehouse pinasara, BIR, hindi pagbabayad ng buwis, karuhatan valenzuela, 3 warehouse pinasara, BIR, hindi pagbabayad ng buwis, karuhatan valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.