Wala nang balak ang Palasyo ng Malakanyang na patulan pa ang hirit ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na isuko na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang posisyon kay Vice President Leni Robredo dahil hindi na maayos ang physical at mental conditions ng pangulo bunsod ng patuloy na paggamit sa fentanyl.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nonsense na ang mga pahayag ni Sison.
“He’s always talking nonsense. We will not respond” ayon kay Panelo.
Ito aniya ang dahilan kung kaya hindi na pag-aaksayahan ng panahon ng Palasyo ng Malakanyang ang lider ng komunistang grupo.
Una rito sinabi ni Sison na panay pahinga na lamang sa trabaho si Pangulong Duterte at napapabayaan na ang kanyang tungkulin.
Sinabi ni Panelo na sa ngayon nasa Davao lamang ang pangulo at work from home.
Hindi naman matukoy ni Panelo kung ilang araw na mananatili ang pangulo sa Davao.
Kaya aniya pinili ng pangulo na magtrabaho sa kanyang bahay sa Davao para madaling makapagpahinga hindi gaya sa Malakanyang na maraming distractions dahil sa dami ng mga bumibisita at mga nag-co-courtesy call.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.