Duterte sinertipikahang ‘urgent bill’ ang dagdag buwis sa alak at vape

By Len Montaño November 13, 2019 - 01:15 AM

Para mapondohan ang Universal Health Care, hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na agad aprubahan ang panukalang batas ukol sa dagdag buwis sa alak at vape products.

Ipinarating ito ng pangulo sa pamamagitan ng liham kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may kopya rin si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon sa pangulo, agad na makakatugon ang dagdag-buwis sa alak at vape products para sa kailangang pondo ng Universal Health Care Law.

Sinertipikahan ng presidente ang pangangailangan na agad maisabatas ang Senate Bill No. 1974 alinsunod sa mga probisyon ng Article VI, Section 26(2) ng 1987 Constitution.

Layon ng batas na agad makalikom ng dagdag na kita para masuportahan ng gobyerno ang epektibong pagpapatupad ng Universal Health Care Act gayundin ay maprotektahan ang karapatan ng publiko sa maayos na kalusugan.

Sa pamamagitan ng bill ay target na makalikom ng P47.9 billion para sa kakulangang P59.1 billion na pondo ng Universal Health Care.

Layon din ng panukalang batas na maiwasan na ang matinding pagtangkilil sa alak at e-cigarette o vape.

 

TAGS: alak, certified, e-cigarette, pondo, Senate Bill No. 1974, Universal Health care Law, Urgent bill, vape, alak, certified, e-cigarette, pondo, Senate Bill No. 1974, Universal Health care Law, Urgent bill, vape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.