5 kadete na sangkot sa hazing sa kapwa-kadete posibleng matanggal sa PNPA
Inihayag ng Philippine National Police Academy (PNPA) na posibleng sibakin sa academy ang limang kadete na sangkot sa umanoy hazing kay Cadet 4th Class John Desiderio.
Ayon kay PNPA spokesman Police Lt. Col. Byron Allatog, dapat sagutin ng limang kadeta ang reklamong grave delinquency laban sa kanila na may parusang dismissal.
Matapos anya ang 20 araw ay maglalabas na ng resolusyon at posibleng dismissal ang ipataw sa limang kadete.
Inihahanda na rin anya ang kasong kriminal laban sa limang kadete na ngayon ay nasa isolation.
Nagpapagaling si Desiderio na isinugod sa ospital matapos sumakit ang tiyan bunsod ng sinasabing maltreatment na nakuha mula sa kanyang upperclassmen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.