Pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao, posibleng hindi na kailangan – PNP

By Angellic Jordan November 12, 2019 - 06:58 PM

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na posibleng hindi na kailangang palawigin pa ang martial law sa Mindanao sa ikaapat na pagkakataon.

sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na maaari nang tanggalin ang martial law sa rehiyon.

Kontrolado na kasi aniya ang peace and order sa buong rehiyon at ,ababa na rin ang bilang ng mga nagaganap na krimen sa lugar.

Na-control na rin aniya ang dami ng mga nakukumpiskang ilegal na armas at inaasahang mananatili ito sa mga susunod na panahon.

Sakaling alisin ang batas militar, mananatili lamang aniya ang alerto ng PNP sa Sulu o sa mga lugar kung saan mayroong hinihinalang presensya ng mga rebeldeng grupo.

Ani Banac, magsusumite sila ng rekomendasyon sa Palasyo ng Malakanyang sa buwan ng Disyembre kung dapat pang palawigin ang batas militar o hindi sa Mindanao.

TAGS: Brig. Gen. Bernard Banac, Martial Law, Mindanao, peace and order, PNP, Brig. Gen. Bernard Banac, Martial Law, Mindanao, peace and order, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.