Malakanyang nagdeklara ng holidays sa ilang mga lugar sa bansa
Ilang local holidays ang idineklara ng Malakanyang.
Ngayong araw, Nov. 12 walang pasok Valenzuela City para sa selebrasyon ng 396th Founding Anniversary.
Sa proclamation number 834, special non working day sa Valenzuela para mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makapag-celebrate sa kanilang founding anniversary.
Wala namang pasok sa probinsya ng Oriental Mindoro sa November 15 para sa selebrasyon ng 69th Founding Anniversary.
Wala ring pasok sa November 15 sa San Jose, Dinagat Island para sa kanilang charter anniversary.
Wala ring pasok sa November 13 sa Pantukan, Compostela Valley para naman sa kanilang 82nd founding anniversary at 17th Pasaka Festival.
Lahat ng proklamasyon ay nilagdaan ni Excutive Secretary Salvador Medialdea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.