Bagyong #RamonPH lalakas pa at magiging tropical storm; Signal #1 itataas sa Eastern Samar at eastern section ng Northern Samar
Lalakas pa at magiging isang tropical storm ang bagyong Ramon na nasa Catanduanes.
Ayon sa weather bulletin ng PAGASA, ang tropical depression Ramon ay huling namataan sa layong 835 kilometers East Southeast ng Virac, Catanduanes o sa layong 685 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Ayon sa PAGASA, bukas araw ng Miyerkules (Nov. 13) maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang bagyong Ramon sa Bicol Region, Samar Provinces, Romblon, Marinduque at Southern Quezon.
Sa Huwebes naman, Nov. 14 ay mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan rin ang mararanasan sa Isabela, Quirino, Northern Aurora, Polillo Island, atCamarines Norte.
Mahina hanggang katamtaman at manaka-nakang malakas na pag-ulan din ang mararanasan sa Aklan, Capiz, Romblon, Marinduque, Southern Quezon at sa nalalabing bahagi ng Bicol Region.
Ayon sa PAGASA sa susunod na weather bulletin, maaring magtaas na ng Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa Eastern Samar at sa eastern section ng Northern Samar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.