WALANGPASOK: Klase sa DLSU-Manila suspendido ng 6 na araw sa panahon ng SEA games

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2019 - 10:20 AM

Suspendido ang klase sa De La Salle University mula sa Maynila sa kasagsagan ng Southeast Asian Games (SEA) Games).

Sa anunsyo ni DLSU Manila Chancellor Br. Bernard S. Oca, walang pasok sa klase at trabaho sa Manila Campus ng DLSU mula December 2 hanggang 7.

Ito ay dahil sa mga aktibidad para sa 30th SEA Games kung saan ang Pilipinas ang host.

Nakasaad din sa utos na ang access sa Manila Campus ay restricted sa nasabing mga petsa.

Maging ang De La Salle College of St. Benilde at Benilde Deaf School ay wala ring pasok sa nasabing mga petsa,

Iniurong naman sa December 9 hanggang 14 ang schedule ng final exams sa De La Salle College of St. Benilde.

TAGS: class suspension, DLSU Manila Campus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok, class suspension, DLSU Manila Campus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.