Ipinasara na ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang AMA Rural Bank of Mandaluyong, Inc. at ang Maximum Savings Bank, Incorporated.
Sa utos ng Monetary Board, ang policy making body ng BSP noon pang Nobyembre 7, ipinatitigil na sa operasyon ang dalawang bangko, alinsunod sa Section 30 ng Republic Act No. 7653 o ang inamyendahang The New Central Bank Act.
Sabi ng BSP, walang idudulot na masamang apekto sa banking systems ang pagsasara ng dalawang banko lalo na at maliit ang dalawang kumpanya.
Sa record ng BSP noong June 30 June 2019, ang kabuuang assets ng dalawang banko ay umaabot lamang sa 0.02 percent at 0.002 percent, ng total assets ng banking system.
Ang AMA Rural Bank of Mandaluyong, Inc. ay may network na sampung sangay na ang branch ay nasa Mandaluyong City habang ang iba pang sangay nito ay nasa Pasig City; Cainta at Morong, Rizal; Bacoor, Cavite; San Pablo at Calamba Cities sa Laguna; Baliuag, Bulacan; San Fernando, Pampanga at Baguio City.
May iba lang kumpanya ang AMA Rural Bank of Mandaluyong ngunit wala sa pangangasiwa ng BSP.
Paliwanag ng BSP, ang desisyon nila ay naaayon sa Section 30 ng kanilang Charter.
Samantala, mayroong tatlong sangay ang Maximum Savings Bank, Inc. na ang main branch ay nasa Batangas City at ang iba ay nasa Sabang at Calapan City sa Oriental Mindoro.
Tiniyak ng BSP na nananatiling masigla at matatag ang banking system ng bansa, maraming pera at may mataas na kapital lalo na at sinusulong ng BSP ang maayos at mabuting pamamahala sa mga pinangangasiwaan nitong institusyon upang maprotektahan ang mga depositor.
Handa naman ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na pagsilbihan ang mga depositor ng AMA Rural Bank of Mandaluyong, Inc. at Maximum Savings Bank, Inc.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.